Laguna – Pinangunahan ni Police Major General Mario Reyes, The Director for Police Community Relations, ang Opening Ceremony ng Police Community Affairs and Development Course (PCADC) sa Camp BGen. Vicente Lim, Calamba City nito lamang ika 21 ng Hunyo 2023.
Ang PCAD Course ay 45-araw na kurso na naglalayong hasain ang kasanayan ng bawat miyembro ng PNP na binibigyang importansya ang aspeto sa larangan ng police-community relations
Nagmula ang 50 participants mula sa CALABARZON Regional Headquarters, Provincial Offices, at Regional Mobile Force Battalion 4A ang kasama sa nasabing opening ceremony.
Ayon pa kay PMGen Reyes, pinapalakas ng Police Community Affairs and Development Course ang kakayahan ng bawat mag-aaral na palakasin ang ugnayan sa komunidad at sa iba’t ibang sektor upang mas pagtibayin ang magandang komunikasyon at pagkakaisa laban sa anumang uri ng kriminalidad lalo na sa mga kampanya kontra ilegal na droga at terorismo.