Bukidnon – Nagsagawa ng Community Outreach Program ang Police Regional Office 10 sa pangunguna ni Police Colonel Dominador Estrada, Chief ng Regional Community Affairs and Development Division 10 sa Brgy. Kiabo, Malitbog, Bukidnon nito lamang Hunyo 2023.
Kasama sa naturang programa ang mga tauhan ng National Intelligence Coordinating Agency 10, Department of Health 10, Regional Medical and Dental Unit 10, Philippine Army, Life Coach ng Northern Mindanao, Mount Kimangkil Eagles, Club, 1st Provincial Mobile Force Company Bukidnon, at Bukidnon Police Provincial Office sa pangunguna ni Police Colonel Restituto Lacano Jr, Officer-In-Charge.
Matagumpay na naisagawa ang pamimigay ng food packs, tsinelas, pack lunch, libreng medical at dental check-up, pamamahagi ng libreng gamot, libreng tuli, mobile library at nagkaroon din ng feeding program.
Kasabay nito, ay nag-turn-over din ng solar lights ang Revitalized Pulis sa Barangay na bahagi din ng Quick impact Project.
Sa kabuuan ay mahigit 200 indibidwal ang natulungan ng naturang programa.
Ang Pambansang Pulisya ay katuwang ang iba’t ibang ahensya ng pamahalaan na magpapatuloy sa ganitong uri ng aktibidad upang matulungan ang mamamayan na lubos na nangangailangan.
Panulat ni Patrolman Edwin Baris/RPCADU10