Maguindanao del Sur – Pinarangalan ng Hepe ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas na si Police General Benjamin Acorda Jr. ang mga napatay at mga sugatang pulis sa kamakailang insidente ng pananambang sa Shariff Aguak at ang sugatang SAF trooper sa Datu Paglas Search Warrant Operation na ginanap sa Sultan Kudarat Provincial Hospital at St. Luise Hospital nito lamang ika-19 ng Hunyo 2023.
Nakasama ni PGen Acorda sina Bai Mariam Sangki Mangudadatu, Gobernador ng Maguindanao del Sur, Police Brigadier General Allan Nobleza, Regional Director ng PRO BAR, at si PBGen Jimili Macaraeg, RD, PRO 12.
Kinilala ang mga sugatang pulis na sina PCMS Rey Vincent B Gertos, PSSg Benjie R Delos Reyes, Pat Abdulgafor H Alib, at Pat Arjie Val Loie C Pabinguit; at isang SAF trooper na si PCpl Artchen B Echavia, na nasugatan sa operasyon sa pagpapatupad ng Search Warrant sa Datu Paglas na nagresulta sa pagkamatay ng 7 armadong suspek.
Ang mga nabanggit ay pawang pinarangalan ng “Medalya ng Kadakilaan” at “Medalya ng Sugatang Magiting”.
Personal ding nagpahayag ng pakikiramay sina Gov. Mangudadatu at PGen Acorda Jr. sa mga pamilya ng yumaong sina Pat Saipoden Shiek Macacuna at Pat Bryan Polayagan at pinarangalan ang mga ito ng “Medalya ng Kadakilaan” dahil sa pag-alay ng kanilang buhay sa tungkulin at binigyan ng cash at financial assistance ang asawa at ama ni Pat Polayagan, gayundin ang ina ni Pat Macacuna, at ang mga sugatang pulis.
Dagdag pa, nagsasagawa na ng combined pursuit operations ang PNP at AFP laban sa mga salarin sa nangyaring pananambang sa Shariff Aguak upang mabigyang hustiya ang pagkamatay ng mga biktima at mga nagdadalamhating pamilya.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz