South Cotabato – Timbog ang isang 31-anyos na lalaki matapos makuhaan ng Php107K halaga ng hinihinalang shabu sa Purok Sueno Village, Brgy. Morales, Koronadal City, South Cotabato, nito lamang Lunes, Hunyo 19, 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Jimili Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12, ang mga naarestong suspek na si alyas “Jhony/ Sadam”, may-asawa at residente ng Brgy. General Paulino Santos (GPS), Koronadal City, South Cotabato.
Ayon kay PBGen Macaraeg, bandang 8:38 ng umaga ng ikinasa ang entrapment operation laban kay “Jhony/Sadam” ng pinagsanib pwersa ng Koronadal City Police Station City Police Drug Enforcement Unit (CPDEU), 1st Provincial Mobile Force Company-South Cotabato Provincial Police Office, at sa pakikipag-ugnayan sa PDEA 12.
Ang operasyon ay nagresulta sa pagkakaaresto ng suspek at pagkakasabat ng 15.30 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga na Php107,000.
Maliban sa ilegal na droga na nakuha sa pag-iingat ng suspek, nakuha rin mula sa kanya ang apat na piraso ng Php500 na ginamit bilang buy-bust money at iba pang non-drug item.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy ang kapulisan ng Rehiyon Dose sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga gumagawa ng mga ilegal na aktibidad upang mapanatili ang kaayusan at kapayapaan ng komunidad.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay A Medelin