Friday, November 29, 2024

Menor de edad at binatilyo, kalaboso sa isinagawang Oplan Sita ng Pasay PNP

Pasay City — Kalaboso ang isang binatilyo at menor de edad sa isinagawang Oplan Sita ng mga tauhan ng Pasay City Police Station nito lamang Lunes, ika-19 ng Hunyo 2023.

Kinilala ni Police Brigadier Generak Kirby John Kraft, District Director ng Southern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Ronnel”, 22 at alyas “Dic”, 17.

Ayon sa ulat, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga awtoridad sa kahabaan ng EDSA Extension corner Park Ave. Extn., Barangay 79, Zone 10, Pasay City nang maharang ang dalawa na sakay ng motorsiklo dahil sa walang suot na helmet.

Ngunit imbes na tumigil, hindi nila pinansin ang mga pulis at habang sinusubukan nilang tumakas, kanilang nabangga ang isang taxi na humantong sa pagkakahuli nila bandang 4:45 ng madaling araw.

Narekober mula sa mga suspek ang isang itim na Yamaha Mio Scooter na walang plate number, isang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na tumitimbang ng humigit kumulang dalawang gramo at may Standard Drug Price na Php13,600, isang improvised handgun, magazine, anim na live ammunition at isang black belt bag.

Mga reklamo para sa paglabag sa Republic Act 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunitions Regulation Act); Section 11 ng R.A. 9165 (Possession of Dangerous Drugs); R.A. 4136 (Traffic Code of the Philippines); at Article 151 of the Revised Penal Code (Resistance and Disobedience to a Person in Authority or the Agent of such Person) ang kakaharapin ng mga nahuling suspek at kanila ring pananagutin ang mga naging pinsala nila sa kanilang biktima.

Pinuri ni PMGen Edgar Alan O Okubo, Regional Director ng NCRPO, ang matagumpay na accomplishment ng Pasay City Police Station. Ani pa nya, “Ito ay isang paalala sa kahalagahan ng Oplan Sita upang panatilihing ligtas ang ating komunidad”.

Source: SPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles