Friday, November 29, 2024

7 Armadong kalalakihan patay; mga baril nakumpiska ng mga awtoridad

Maguindanao del Sur – Nauwi sa palitan ng putok ng baril ang pagpapatupad ng Search Warrant ng mga awtoridad na nagresulta sa pagkamatay ng pitong armadong kalalakihan sa Brgy. Damawato, Datu Paglas, Maguindanao Del Sur nito lamang ika-18 ng Hunyo 2023.

Ayon kay Police Brigadier General Allan Nobleza, Regional Director ng PRO BAR, bandang alas-2 ng hating gabi nang isagawa ang Search Warrant laban kay alyas “Datdat Usop” (AFP PSR Listed No. 78 under Karialan Faction) ay nakaengkwentro ng mga awtoridad ang humigit kumulang 15 armadong kalalakihan na tumagal ng isang oras at tatlumpung minuto kung saan 7 ang napatay kasama ang target na si alyas “Datdat Usop”, habang isa naman ang sugatan sa panig ng gobyerno.

Nagawa pang dalhin ng awtoridad ang apat sa mga armadong kalalakihan sa Sultan Kudarat Provincial Hospital para sa agarang atensyong medikal ngunit pawang idineklara silang dead on arrival ng attending physician, habang isang miyembro mula sa 84th SAC RDB, SAF na nagtamo ng tama ng bala sa ibabang bahagi ng tiyan ay dinala sa St. Luise Hospital Tacurong City para magamot.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang isang M16 COLT, 76 piraso ng Cal. 5.56mm, iba’t ibang uri ng magazine ng M16 Rifle at Cal. 45 pistol, isang Cal. 45 Pistol (ITHACA), isang Cal. 45 Pistol (COLT), at bala ng Cal. 45 pistol.

Lumalabas sa imbestigasyon na si Datdat Usop ay kapatid ni alyas “Tutin Usop”, kapwa orihinal na miyembro ng BIFF-Karialan Faction at nag-ooperate sa dalawang probinsya ng Maguindanao Del Sur at Del Norte.

Sila ay mga anak ng yumaong Commander TMX, isang division commander ng BIFF-KF.

Nakatanggap din sila ng IED training mula sa yumaong si Basit Usman sa Mamasapano, North Cotabato at sangkot sa pambobomba sa National Grid Corporation of the Philippines tower sa Brgy. Kitulaan, Carmen, North Cotabato noong Setyembre 3, 2016.

Dagdag pa rito, kabilang din si Datdat Usop sa pag-atake sa Datu Paglas Public Market noong Mayo 8, 2021 kung saan nagsupply ito ng manpower, armas, logistics, at pagkain na humantong sa paglikas ng humigit kumulang 5,000 sibilyan.

Konektado rin siya kay Tahir Alonto KFRG na nagsasagawa ng kidnapping at drug-related activities sa Maguindanao Del Sur.

Naging matagumpay ang operasyon dahil sa pinagsamang tauhan ng Maguindanao del Sur PPO, CIDG BARMM, RSOT RFU BAR, Cotabato CFU, RMFB 14, RIU 15, 41th at PNP SAF, 12ISU, AIR, PA, 1st MECH BN, PA at Datu Paglas MPS.

Samantala, pinuri ni PBGen Nobleza, ang mga operatiba para sa matagumpay na operasyong ito. Aniya “Kahit sa gitna ng panganib, patuloy na gagampanan ng inyong kapulisan ang mandatong tugisin ang mga kriminal at papanagutin sila sa kanilang mga nagawang krimen”.

Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles