Tuesday, October 22, 2024

Higit 200 katao, benepisyaryo ng tatlong programa na inilunsad ng PRO 7

Cebu – Bakas sa ngiti ang saya ng nasa higit 200 katao na naging benepisyaryo sa mga programang inilunsad ng Police Regional Office 7 sa Bogo City, Cebu noong Hunyo 17, 2023.

Sa pangunguna ni Police Brigadier General Anthony Aberin, Regional Director, kasama ang maybahay nito na si Gng. Melinda E Aberin, ay matagumpay na nainilunsad ang mga programang “Project BOGO” (Babayeng Organizado, Giyaha’g Kaalam ug Oportunidad and Bisita sa Balay Sagupanan sa mga Tigulang), “Project AGAK” (Alang sa Kaugmaon atong Giyahan, Gakson ug Higugmaon ang Kabataan), at ang “Panginabuhin Alang sa mga Kababyen-an” sa pakikipagtutulungan at pakikiisa ng mga miyembro ng Regional Community Affairs and Development Division, mga tauhan ng Bogo City Police Station, Cebu Police Provincial Office, Regional Police Community Affairs and Development Unit at Regional Mobile Force Battalion 7.

Sa isang programa, masaya at malugod na ipinaabot ng grupo sa mga benepisyaryo nito ang mga handog na livelihood materials, school supplies, personal hygiene kits, at ang saku-sakong bigas.

Maliban pa dito, nagkaroon din ng talakayan ukol sa ilegal na droga at pagsasanay sa paggawa ng mga homecare products na pinangunahan ni Gng. Aberin.

Kabilang sa mga naging benepisyaryo ng programa ay ang mga nanay mula sa iba’t ibang barangay ng Bogo City, mga bata mula sa Home for the Boys and Home for the Girls at ang mga matatanda mula sa Home for the Aged.

Pinasinayangan naman ang makabuluhang aktibidad ng Alkalde ng Bogo City, Hon. Carlo Jose A Martinez na kinakatawan ni G. Antonietto “Max” SuiCo, City Administrator.

Sampu ng mga benepisyaryo, ipinaabot naman ni Gng. Cristy Estoya, City Social Welfare Development Representative, ang kanilang pasasalamat sa tulong na hatid ng kapulisan.

“Nais naming magpasalamat sa pagpili bilang mga benepisyaryo ng inyong programa at tatanggap ng inyong mga handog. Ang mga livelihood materials na inyong mga ipapamahagi ay malaking tulong para sa pangkabuhayan ng ating mga kababayan sa City of Bogo”, mensahe ni Gng. Estoya.

Ang patuloy na pagsusulong ng PRO 7 sa mga nasabing programa ay bahagi ng mga hakbangin nito tungo sa mas matatag na ugnayan at pagkakaisa ng mamamayan at ng mga ahensya ng pamahalaan alinsunod sa 5 Focus Agenda ng Hepe ng Pambansang Pulisya at ng BIDA Program ng Secretary of the Interior Local Government.

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,280SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles