Sarangani Province – Nakiisa ang mga kapulisan ng Alabel Municipal Police Station upang maisakatuparan ang Mangrove Planting Activity sa Brgy. Kawas, Alabel, Sarangani Province nito lamang ika-16 ng Hunyo 2023.
Kabilang sa nakilahok ang mga tauhan ng Lokal na Pamahalaan ng Alabel, at mga estudyante ng Kawas National High School sa Mangrove Tree Planting kaugnay ito sa temang “No To Waste: Advancing Circular Economy to Beat Plastic Pollution”.
Ito ay alinsunod sa PNP Core Values na “Makakalikasan” na naglalayong palawakin ang pagpapahalaga sa kalikasan upang magkaroon ng magandang kapaligiran at malinis na hangin para sa kaligtasan ng bawat isa.
Panulat ni Patrolman Jerrald Gallardo