Sarangani Province – Namahagi ng libreng damit at tsinelas ang mga tauhan ng Sarangani Police Provincial Office sa mga residente ng Purok Angie 2, Kawas, Alabel, Sarangani Province nitong ika-15 ng Hunyo 2023.
Pinangunahan ni Police Major Canieso Golwingon, Chief Provincial Community Affairs and Development Unit ng Sarangani kasama ang Lokal na Pamahalaan ng Alabel na boluntaryong nakiisa sa aktibidad.
Mahigit 100 na residente ang naging benepisyaryo na napamahagian ng libreng damit, tsinelas at foodpacks.
Ikinatuwa naman ito ng mga residente dahil sa kabila ng sakuna at pandemya ay patuloy ang mga kapulisan sa pagtulong sa kanila.
Ang mga ganitong aktibidad ay naglalayong pagtibayin ang ugnayan ng mamamayan at ng kapulisan tungo sa progresibo, maayos at payapang komunidad.
Panulat ni Patrolman Charnie Atienza Mandia