Leyte – Timbog ng mga operatiba ng Tacloban City PNP ang isang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy 16, P. Burgos St., Tacloban City nito lamang ika-9 ng Hunyo 2023.
Kinilala ni Police Captain Concas Castello, Officer-In-Charge ng Tacloban City Police Station 1, ang naaresto na si alyas “Pepen”, 36, isang Government Employee at residente ng Tacloban City.
Naaresto ang suspek bandang 2:16 ng madaling araw ng mga tauhan ng Tacloban City Police Station 1-Station Drug Enforcement Unit sa pangunguna ni Police Captain Anulfo Abayan at sa koordinasyon ng PDEA Regional Office 8.
Nakumpiska mula sa suspek ang ilang piraso ng heat-sealed plastic transparent sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng 2 gramo at may estimated market value na Php10,500 at iba pang drug paraphernalia.
Mahaharap ito sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 sa ilalim ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, puspusan naman ang ginagawang operasyon ng Tacloban City PNP upang labanan ang problema kontra ilegal na droga sa kanilang komunidad.