Davao City – Arestado ang wanted person sa patuloy na isinasagawang Manhunt Charlie Operation ng mga tauhan ng PNP sa Brgy Suawan, Marilog District, Davao City, noong Hunyo 9, 2023.
Kinilala ni Police Major Nelson Violan Jr, Station Commander ng Marilog Police Station, ang suspek na si alyas “Odjo”, 53, residente ng nasabing lugar na tinaguriang most Wanted Person sa lugar.
Ayon kay PMaj Violan, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest na inihain ng mga tauhan ng Marilog PS sa kasong Rape by Carnal Knowledge at walang piyansang inirekomenda.
Samantala, nagpasalamat naman ang mga kapulisan ng Police Regional Office 11 sa mga mamamayan na handang magbigay impormasyon upang mahuli ang mga wanted person at mapanatili ang kaayusan at katahimikan sa rehiyon onse.
Panulat ni Patrolman Alfred Vergara