Iloilo – Dahil sa patuloy na pagpapatupad ng iba’t ibang programa ng ating pamahalaan kontra insurhensiya at terorismo, 102 na residente ng Brgy. Binolusan Pequendo, Calinog, Iloilo ang nagpahayag ng kanilang pagbawi ng pagsuporta sa komunistang teroristang grupo nito lamang ika-5 ng Hunyo 2023.
Ang withdrawal of support ay naging posible sa inisyatibo ng Regional Mobile Force Battalion 6 at ng local na pamahahalaan ng Calinog.
Ang naturang programa ay pinangunahan ni Police Lieutenant Colonel Joel Garcia, Acting Force Commander, RMFB 6 kasama ang mga miyembro ng 606th Company, RMFB 6 sa pangunguna naman ni Police Major Romwill Miras, na aktibong dinaluhan ng mga residente ng nasabing lugar sa pangunguna ni Hon Javie H Camarig, Brgy. Captain.
Matagumpay na nanumpa, lumagda ang aabot sa 102 residente ng Brgy. Binolusan, Pequendo bilang isang katapatan at pagsuporta sa ating gobyerno at nangakong hindi na susuporta sa hanay ng komunistang teroristang grupo.
Dagdag pa, sa tulong ng RMFB 6 Retooled Community Service Program Team na naka base sa lugar, maayos na nakumbinsi ang ilang mga residente upang isuko ang kanilang mga armas na kung saan binigyan ng sakong bigas ang bawat nagsisuko ng kanilang baril.
Ito ay bilang bahagi ng mas lumalawak na PRO 6 best practice na “Armas Baylo Bugas”.
Dito ay isinuko nila ang aabot sa labintatlong mga baril: 7 Homemade Shotgun (long barrel), 6 pirasong Homemade Short Shotgun, apat na 12 Gauge Ammunition, at 4 na magazine para 12-gauge shotgun.
Ang matagumpay na aktibidad ay isang patunay na ang PRO 6 sa ilalim ng pamumuno ni PBGen Sidney N Villaflor, Acting Regional Director, ay patuloy na magsisikap upang isulong ang Local Peace Engagement program ng RTF6-ELCAC, kasama ang ibang ahensya ng pamahalaan upang mawakasan ang anumang armadong pakikibaka sa rehiyon para sa kapayapaan at kaunlaran.