Nagsagawa ng Medical Mission at Feeding Program ang mga kapulisan ng Regional Medical and Dental Unit BAR sa mga residente ng Brgy. Nanga-an, Kabacan Cluster, SGA BARMM nito lamang ika-31 ng Mayo 2023.
Kabilang sa aktibidad ang libreng check-up at konsultasyon, pamamahagi ng gamot at feeding program sa 900 na naging benepisyaryo ng naturang aktibidad.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Alma Paredes, OIC, RMDU BAR, naging matagumpay ang aktibidad sa pangunguna ni Police Captain Nexon Besorio, MD, Police Lieutenant Reagan G Susi, Nurse Officer, katuwang ang Maguindanao Del Sur PMDT & PPO, The PROJECT TABANG BARMM, Ministry of Social Services and Development (MSSD), Ministry of Health (MOH), Ministry of Trade, Investments and Tourism (MTTT), Ministry of Labor and Employment (MOLE) at BARMM READi.
Lubos naman ang pasasalamat ng mga naging benepisyaryo dahil sa tulong na natanggap nila mula sa ating Pambansang Pulisya.
Ang aktibidad na ito ay nagpapatunay lamang sa tunay na malasakit ng pulisya sa ating mga kababayang lubos na nangangailangan at isa din itong paraan upang mas lalo pang pagtibayin ang relasyon sa pagitan ng PNP at ng komunidad.
Panulat ni Patrolman Charlie Nasroden Corpuz