South Cotabato – Kusang-loob na sumuko ang limang miyembro ng Communist Terrorist Group (CTG’s) sa mga awtoridad sa South Cotabato 2nd Provincial Mobile Force Company Head Quarters, Sitio Sto Niño, Brgy Centrala, Surallah, South Cotabato nito lamang ika-1 ng Hunyo, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Cydric Earl Tamayo, Provincial Director ng South Cotabato Police Provincial Office, ang mga sumuko na sina alyas “Berting Kawayan”, 50; alyas “Montong”, 51; alyas “Joy”, 21; alyas “Blis”, 24; at alyas “Bungo”, 25, pawang mga residente ng Sitio Datalbiao, Brgy Danlag, Tampakan, South Cotabato.
Ang boluntaryong pagsuko ng mga miyembro ng CTGs ay bunga ng walang tigil na negosasyon ng mga tauhan ng T’boli Municipal Police Station, Regional Mobile Force Battalion 12 at South Cotabato Police Provincial Office.
Inaayos na ang mga kaukulang dokumento ng mga sumuko para sa Enhance Comprehensive Local and Integration Program (E-CLIP).
Samantala, humihingi naman ng suporta ang mga tauhan ng South Cotabato PNP sa publiko para labanan ang insurhensiya at hikayatin ang iba pang miyembro ng CTGs na magbalik-loob sa ating pamahalaan, mamuhay ng mapayapa at makiisa sa mga programa ng gobyerno tungo sa pangmatagalang kapayapaan at pagiging progresibo ng ating bansa.
Panulat ni Patrolman Charnie Atienza Mandia/RPCADU12