Caloocan City — Nasabat sa isang lalaki ang tinatayang Php78,880 halaga ng shabu sa isinagawang police visibility ng Caloocan City Police Station nito lamang Huwebes, Hunyo 1, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Ruben Lacuesta, Chief of Police ng Caloocan CPS, ang suspek sa pangalang Melandro, 46, vendor at nakatira sa no. 46 Cotobato St., Bagong Bantay, Quezon City.
Ayon kay PCol Lacuesta, inaresto ang suspek ng mga tauhan ng Police Sub-Station 3 dahil sa sumbong ng isang concerned citizen tungkol sa ilegal na aktibidad bandang 3:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Gen. Pio Valenzuela St, Brgy. 78, Caloocan City.
Nakumpiska sa suspek ang 18 piraso ng isang maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na humigit kumulang 11.6 gramo at tinatayang nagkakahalaga ng Php78,880; at isang (1) pouch na kulay kayumanggi.
Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Tiniyak ni PCol Lacuesta, na pananatilihin ng kanyang hanay ang pagpapatrolya sa bawat lansangan ng lugar upang maiwasan ang paglaganap ng bentahan at paggamit ng mga ilegal na droga sa kanilang nasasakupan upang magkaroon ng ligtas at mapayapang komunidad.
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos