Leyte – Nasakote ng mga tauhan ng Tacloban City Police Station 1 ang isang drug peddler sa isinagawang Anti-illegal Drugs Operation sa Brgy. 57, White Lane, Tacloban City nitong Mayo 31, 2023.
Kinilala ni Police Captain Concas Castello, Officer-In-Charge ng Police Station 1, ang naaresto na si alyas “Berting”, 58 at residente ng White Lane, Tacloban City.
Ayon kay PCpt Castello, naaresto ang suspek bandang 11:23 ng gabi ng mga operatiba ng Tacloban City Police Station 1 Drug Enforcement Unit at sa pakikipagtulungan ng PDEA Regional Office 8.
Narekober mula sa suspek ang pitong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu kabilang na dito ang nabili ng nagpanggap na poseur buyer.
Tumitimbang ng nasa dalawang gramo ang narekober na ilegal na droga at may tinatayang halaga na Php10,500.
Ang naaresto ay mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5, 11 at 12 ng Article II ng Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Nanawagan naman ang PNP-PDEA 8 sa komunidad na makipagtulungan sa mga otoridad at isuplong ang sinumang nagtutulak ng droga sa bawat barangay para makamit ang kapayapaan at kaayusan tungo sa kaunlaran sa rehiyon.