Iloilo City – Umabot sa mahigit Php1.46 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa apat na High Value Individual at dalawang Street Level Individual sa isinagawang buy-bust operation sa Brgy. Hipodromo, Iloilo City, noong ika-31 ng Mayo 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Antonio Benitez Jr., Hepe ng Iloilo City Drug Enforcement Unit, ang mga suspek na sina alyas “Japz”, 37; alyas “Jo”, 36; alsyas “Paul”, 23; alyas “Philip”, 30; alyas “Abbie”, 20, at si alyas “Inday” 46.
Ang naturang buy-bust operation ay isinagawa bandang 1:05 ng madaling araw ng pinagsanib na pwersa ng City Drug Enforcement Unit at Station Drug Enforcement Team ng Iloilo City Police Station 1.
Narekober sa kanila ang 33 na pakete ng pinaniniwalaang shabu na may bigat na 215 gramo na may tinatayang halaga na aabot sa Php1,462,000, kabilang din sa narekober ang buy-bust money na Php15,000, mga drug paraphernalia at ilang mga non-drug items.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang matagumpay na operasyon ay resulta ng patuloy at walang tigil na intensified campaign against illegal drugs ng buong kapulisan Iloilo City.
Samantala, pinuri naman ni Police Brigadier General Sidney Villaflor, Acting Regional Director ng PRO6 ang mga operating units para sa isang matagumpay na operasyon.