Saturday, November 30, 2024

PRO MIMAROPA, nag-donate ng mahigit Php1M cash assistance sa apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro

Calapan City – Ang Police Regional Office MIMAROPA sa pangunguna ni Regional Director, Police Brigadier General Joel Doria, ay nag-turn-over ng Php1,067,585 cash assistance sa Pamahalaang Panlalawigan ng Oriental Mindoro noong Lunes, Mayo 29, 2023.

Sa isang simpleng seremonya, pormal na ibinigay ng MIMAROPA Top Cop, na kinakatawan ni PCol Nathaniel Villegas, Chief Regional Staff, ang cash assistance kay Oriental Mindoro Governor, Hon. Humerlito A. Dolor, na ginanap sa Capitol Complex, Brgy. Camilmil, Calapan City, Oriental Mindoro.

Ang nasabing aktibidad ay sinaksihan din ni Dr. Hubbert Christopher A. Dolor, Provincial Administrator; PCol Samuel Delorino, Provincial Director, Oriental Mindoro PPO; at PMaj Christian Marquez, Chief, Community Affairs Section sa ilalim ng Regional Community Affairs and Development Division.

Ang nasabing donasyon ay nalikom mula sa Color Fun Run for a Cause ng PRO MIMAROPA (Run for the Affected Families of Oil Spill Incident), isang sabay-sabay na aktibidad na pinasimulan ng PNP, sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang local government units, iba pang ahensya ng gobyerno at stakeholders, na naglalayong makalikom ng pondo para maibsan ang kalagayan ng pamumuhay ng mga pamilyang naapektuhan ng oil spill incident sa Oriental Mindoro noong Abril 28, 2023.

Sa isang pahayag, nagpahayag ng pasasalamat si PBGen Doria sa mga miyembro ng PNP units sa MIMAROPA at sa lahat ng nagpaabot ng tulong pinansyal at naging bahagi upang maisakatuparan ang aktibidad na ito upang matulungan ang mga komunidad na lubhang naapektuhan sa oil spill sa lalawigan.

“Sa pamamagitan ng ating sama-samang pagsisikap, nakapagbigay tayo ng lubhang kailangan na tulong pinansyal sa ating mga kababayan sa Oriental Mindoro na lubhang naapektuhan ng oil spill. Nananatili tayong nakatuon sa paglilingkod sa ating mga komunidad at pagbibigay ng tulong sa oras ng pangangailangan,” saad ni PBGen Doria.

Noong Mayo 3, ang PRO MIMAROPA ay nag-donate ng Php1,250,624 mula sa boluntaryong kontribusyon mula sa mga tauhan nito at lahat ng mga yunit ng PNP sa rehiyon upang matulungan ang mga mahihirap at mga pamilyang apektado ng oil spill sa Pola, Oriental Mindoro.

Ang munisipalidad ng Pola ang nagtamo ng pinakamaraming pinsala mula sa oil spill incident sa lalawigan ng Oriental Mindoro, na nakaapekto sa 11 barangay, 4, 839 pamilya, 24,195 indibidwal at 7 marine protected areas.

Batay sa datos ng NDRRMC, ang lalawigan ng Oriental Mindoro ay nagtamo ng tinatayang pinsala sa kapaligiran sa mahigit Php7 bilyon at Php3.8 bilyong pinsala sa mga pangisdaan kabilang ang pagkawala ng kita dulot ng oil spill.

Panulat ni Patrolman Erwin Calaus

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,310SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles