Tawi-Tawi – Timbog ang dalawang indibidwal matapos mahulihan ng shabu ng PNP sa Brgy. Sanga-Sanga, Bongao, Tawi-Tawi noong Mayo 27, 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Colonel Christian Joy Alqueza, Force Commander ng Tawi-Tawi Provincial Mobile Force Company, ang mga suspek na sina alyas “Memet” at alyas “Arasad.”
Ayon kay PLtCol Alqueza, habang nagsasagawa ng foot patrol ang mga tauhan ng Tawi-Tawi PMFC, Bongao MPS, at 5th Regional Mobile Force Company, RMFB BASULTA, ay may tumawag na concerned citizen tungkol sa nangyayaring bentahan ng shabu sa lugar.
Agad itong pinuntahan ng mga operatiba upang berepikahin ang nasabing report at nahuli sa akto ang mga suspek na nagbebenta ng ilegal na droga.
Nakumpiska mula sa mga suspek ang 17 heat-sealed transparent straw na naglalaman shabu na may bigat na .510 gramo na tinatayang nagkakahalaga ng Php3,468.
Nakumpiska rin mula sa mga suspek ang isang pirasong eye glass at gamit na aluminum foil at gupit na straw.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
Ito ay isang patunay na ang mga tauhan ng PRO BAR ay hindi nagpapabaya sa kanilang sinumpaang tungkulin na hulihin ang mga taong sangkot sa ilegal na gawain para makamit ang kaayusan para sa mas maunlad at mapayapang pamayanan.
Panulat ni Pat Mark Vincent Valencia