Cagayan – Nakiisa ang nasa 4000 na residente sa paglulunsad ng Project SAGIP o Sangga At Gabay Ilalaan para sa Pangarap ng Kabataan na ginanap sa Cordova National High School, Amulung West, Cagayan noong Mayo 26, 2023.
Kabilang sa mga dumalo ang mga estudyante, mga magulang, guro at mga Barangay Officials sa aktibidad kasabay ng kanilang Family Day.
Ang aktibidad ay inisyatibo ni Police Colonel Julio S Gorospe Jr, Provincial Director ng Cagayan Police Provincial Office, na naglalayong bantayan ang mga kabataan para magabayan at mailayo sila sa anumang uri ng krimen.
Bilang tugon, pumirma sa Pledge of Commitment ang mga dumalo pati na rin ang mga kapulisan para sa katuparan ng naturang proyekto.
Ani PCol Gorospe, nais nilang paigtingin at ilunsad sa lahat ng munisipalidad ng Cagayan ang Project SAGIP upang magbigay ng seguridad at gabay sa mga kabataan para sa kanilang magandang kinabukasan at ng komunidad.
Source: Cagayan PPO
Panulat ni Police Corporal Carla Mae P Canapi