Bulacan — Arestado ang dalawang binatilyo sa matagumpay na entrapment operation ng mga tauhan ng Cubao Police Station (PS 7) nito lamang Sabado, Mayo 27, 2023.
Kinilala ni PBGen Nicolas Torre lll, ang mga suspek sa pangalang Jake Anthony, 23 anyos at James Willard, 20 anyos, kapwa residente ng Brgy. Kaspian, San Jose Del Monte City, Bulacan.
Ayon kay PBGen Torre lll, humingi ng tulong sa mga otoridad ang biktimang si Liezl Pareja matapos matuklasan na ninakaw ang kanyang motor na nakaparada sa gilid ng Shell Gasoline Station na matatagpuan sa kahabaan ng Makatarungan Road malapit sa corner Kalayaan Avenue, Brgy. Central, Quezon City noong Mayo 24, kaya naman agad na nagsagawa ng operasyon ang kapulisan at makalipas ang tatlong araw ay nadakip ang mga suspek dakong 10:30 ng gabi sa harap ng Dreamland Village, San Jose Del Monte City, Bulacan.
Narekober sa mga suspek ang isang (1) unit na Yamaha Mio na may MV File no. 1336-00000404215.
Nahaharap ang dalawa sa paglabag sa P.D. 1612 o Anti-Fencing Law.
Pinuri naman ni QCPD Director PBGen Torre III, ang mga operatiba sa kanilang agarang aksyon at imbestigasyon na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek at pagkakakumpiska ng ninakaw na gamit.
“Maging babala po sana ito na huwag nang tangkain pang gumawa ng masama dahil patuloy ang ating pulisya sa kanilang tungkulin na wakasan ang lahat ng uri ng kriminalidad sa buong Kamaynilaan,” ani naman ni NCRPO Regional Director PMGen Edgar Alan Okubo.
Source: SMART PIO QCPD
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos