Caloocan City — Umabot sa mahigit Php25.8 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa dalawang High Value Individual sa isinagawang buy-bust operation ng mga tauhan ng Caloocan City Police Station nito lamang Sabado, Mayo 27, 2023.
Kinilala ni Police Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr, District Director ng Northern Police District, ang mga suspek na sina alyas “Edwin”, lalaki, 42, Single, electrician at kasalukuyang naninirahan sa T. Marcelo Street, Barangay Dalnadanan Valenzuela City; at Lenard, 20, Lalamove Rider, at naninirahan sa Hiwas Street, Barangay Longos, Malabon City.
Ayon kay PBGen Peñones Jr, isinagawa ang nasabing operasyon ng pinagsanib na puwersa ng OCOP- DEU, Station Intelligence Section ng Caloocan CPS kasama ang 3rd MFC, RMFB, NCRPO at PDEA-RONCR na humantong sa pagkakaaresto ni alyas ” Edwin” at Lenard bandang 02:27 ng madaling araw, sa kahabaan ng West Service Road Barangay 160, Caloocan City.
Nakumpiska sa mga suspek ang isang knot-tied transparent plastic bag na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na may tinatayang bigat na 100 gramo at nagkakahalaga ng Php680,000; dalawang Chinese Teabag color green na may label na QUIN SHAN na naglalaman ng isang (1) malaking silyadong transparent plastic bag na pinaniniwalaan ding shabu na may bigat na 2,000 gramo at may SDP na Php13,600,000; isa pang malaking transparent ziplock plastic bag na may timbang naman na 1,000 gramo at may halagang Php6,800,000; at isang large transparent ziplock plastic bag na naglalaman ng pitong piraso ng knot-tied transparent plastic bag na may timbang na 700 gramo at nagkakahalaga ng Php4,760,000.
Ang lahat ng narekober na umano’y shabu ay may kabuuang timbang na 3,800 gramo at tumataginting na Php25,840,000 ang kabuuang halaga.
Kabilang din sa nakumpiska ang isang kulay na Navy Blue Backpack na may label na COSE, isang tunay na Php1,000 na may kasamang 99 na piraso ng pekeng Php1,000, isang caliber 32 pistol chamber na kargado ng isang cal.32 live ammunition na may magazine at kargado ng apat na piraso ng cal.32 live ammunition, isang unit ng VIVO color blue smartphone, at isang motorsiklo na Yamaha Mio na kulay itim at pink.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang kahaharapin ng mga suspek.
“Pinuri naman ni PMGen Edgar Alan O Okubo, Regional Director ng NCRPO ang Caloocan City Police Station para sa walang patid na dedikasyon upang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa kanilang nasasakupan.”
Source: NPD PIO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos