Camp Crame, Quezon City (December 31, 2021) – Ngayong ika-31 ng Disyembre 2021, ang PNPA Patnubay Class 1995 ay nagbigay ng solar lights, solar chargers, at generators bilang donasyon nila sa mga kababayan nating nasalanta ng bagyong “Odette”.
Ginanap ang simpleng seremonya sa Police Community Affairs and Development Group na pinangunahan ni PCol William Segun, Presidente ng PNPA Patnubay Class 1995, kasama sina PCol Rogelio Raymundo, Jr., at PCol Bernie Orig, ang Chief of Staff ng PCADG.
Ang paunang donasyon na kinabibilangan ng 50 Solar Lights, 36 Solar Chargers at apat (4) na Portable Generators ay tinanggap ni PCol Marcial Mariano Magistrado IV, Deputy Director for Administration, PCADG.
Ang mga donasyon ay ipamamahagi sa mga residenteng apektado ng nagdaang bagyo.
Layunin nito na maibsan ang kadiliman na nararanasan ng ating mga kababayan dahil sa kawalan ng kuryente dulot ng mapinsalang bagyo.
Patuloy naman ang miyembro ng Patnubay Class 1995, katuwang ang kanilang mga pamilya, sa pag-aambagan ng tulong at pera na gagamitin sa pagbili muli ng karagdagang donasyon.
######
Panulat ni: PMSg Vanesaa C Villanos
Saludo po mga Sir at Mam, God bless ,mabuhay po kayo
Salamat sa PNP