Cebu City – Naaresto ng pinagsanib na operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group at Cebu City Police Office, ang tinaguriang Top 4 Provincial Most Wanted Person at Top 1 Municipal Most Wanted Person sa kasong may kaugnay sa ilegal na droga sa operasyon na isinagawa sa Inayawan Public Market, Barangay Inayawan, Cebu City nito lamang Miyerkules, Mayo 24, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Ireneo Dalogdog, City Director ng Cebu City Police Office, ang suspek na si alyas “Klong klong”, 33, residente ng Barangay Guiwanon, Tubigon, Bohol.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 Art II ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 na may nirekomendang piyansa na Php200,000 para sa Sec. 11 at walang nirekomendang piyansa para sa Sec. 5 ng RA 9165.
Ang matagumpay na pagkakadakip sa suspek ay bunga ng pinaigting na kampanya laban sa anumang uri ng kriminalidad at sa walang sawang pagbibigay katuparan ng kapulisan sa pagpapanatili ng kaayusan at kaligtasan ng mamamayan.