Negros Occidental – Arestado ang apat na Street Level Individual kasunod ng ikinasang drug buy-bust operation ng PNP sa Purok Antipolo, Brgy. Balintawak, Escalante City, Negros Occidental nitong ika-23 ng Mayo 2023.
Kinilala ni Police Major John Ganzon, Hepe ng Escalante City Police Station, ang mga naarestong suspek na sina Victorino Canillo, 40, residente ng Brgy. San Jose Toboso; Jocelyn Mendoza, 49, residente ng Brgy. Bagong Silang Don Salvador; Roy Comawas, 20, residente ng Brgy. Maquiling Sagay; at si Rutchie Agohayon, 46, residente ng Brgy. Central Bato, Sagay City.
Ang naturang anti-illegal drug operation ay isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Team ng Escalante City Police Station bandang alas-2:55 ng hapon na pinangunahan ni Police Captain Wence Alcober, Deputy Chief of Police.
Nakuha mula sa mga suspek ang 9 gramo ng pinaniniwalaang shabu na nagkakahalaga ng Php61,200.
Maliban sa narekober na droga ay nakuha din sa kanila ang isang improvised tooter, gunting, lighter at buy-bust money na ginamit sa naturang operasyon.
Nakakulong na sa custodial facility ng Escalante City PNP ang mga naarestong suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165.
Ang matagumpay na operasyon ay bunga ng walang tigil at mas pinaigting na kampanya ng Negros Occidental PNP kontra ilegal na droga upang mapanatili ang kaayusan at gawing drug free ang lalawigan mula sa ipinagbabawal na droga.