Bukidnon – Isinagawa ng Malaybalay City PNP ang lecture tungkol sa iba’t ibang batas na ginanap sa Covered Court, Brgy. Laguitas, Malaybalay City, Bukidnon bandang 8:00 ng umaga nito lamang Mayo 22, 2023.
Ito ay sa pangunguna ni Police Executive Master Sergeant Alexander Calma, Station Community Assistance and Development Division PNCO sa ilalim ng pamumuno ni Police Lieutenant Colonel Julius Clark Prisco Macariola IV, Chief of Police ng Malaybalay City Police Station.
Naging matagumpay ang aktibidad dahil sa partisipasyon ng 50 indibidwal mula sa mga Barangay Officials, Barangay Health Workers, Barangay Peacekeeping Action Teams (BPATs), Lupon at Purok Leaders.
Tinalakay sa naturang lecture ang mga sumusunod na batas: RA 11313 o Anti-Bastos law, RA 8353 o Anti-Rape Law, Traffic Rules, RA 11900 o Anti-Vape Law, RA 10627 o Anti-Bullying Act of 2013, Safety and Security Tips at KASIMBAYANAN o Kapulisan, Simbahan at Pamayanan at BIDA Program (Buhay Ingatan, Droga’ý Ayawan).
Patuloy ang Malaybalay City PNP sa pagpapaigting ng ugnayan sa iba’t ibang sector ng pamayanan upang mapanatiling ligtas at tahimik ang ating komunidad.
Source: Malaybalay City Police Station
Panulat ni PSSg Grace Neville Ortiz