Bohol – Umabot sa mahigit Php1.8 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa 51-taong gulang na beterinaryo sa anti-drug operation ng Dauis Municipal Police Station sa Purok-4, Barangay Mariveles, Dauis, Bohol noong ika-21 ng Mayo 2023.
Kinilala ni Police Lieutenant Thomas Zen Cheung, Hepe ng Dauis MPS, ang naaresto na si “Frederick”, licensed veterinarian, kasalukuyang nagtatrabaho sa Provincial Veterinarian sa Bohol, at residente ng Cogon District, Tagbilaran City.
Ayon kay PLt Cheung, nadakip ang suspek dakong alas-11:15 ng gabi noong Linggo kung saan narekober mula rito ang nasa 275 gramo ng hinihinalang shabu na may halaga na Php1,870,000, isang unit ng black NARZO android cellular phone, string bag, at ginamit na buy-bust money.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11, Art. II ng RA 9165 Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Kaugnay nito, pinuri ni Police Brigadier General Anthony Aberin, Regional Director ng Police Regional Office 7, ang pagtutulungan ng mga operatiba sa matagumpay na pagkakaaresto ng nasabing drug personality.
“When the police and community work together in the fight against illegal drugs and crimes, accomplishments such as this come in handy”, pahayag ni PBGen Aberin.