Thursday, January 9, 2025

Php408K halaga ng shabu nakumpiska sa buy-bust ng Malabon PNP; 3 kalaboso

Malabon City — Umabot sa Php408,000 halaga ng shabu ang nakumpiska sa tatlong suspek sa isinagawang buy-bust operation ng Malabon City Police Station nito lamang umaga ng Martes, Mayo 23, 2023.

Kinilala ni Northern Police District Director, Police Brigadier General Ponce Rogelio Peñones Jr, ang mga suspek na sina alyas “Amado”, 53, Pusher/Newly Identified HVI, delivery courier; at alyas “Blessy”, 50, Pusher/Newly Identified HVI, mga naninirahan sa Brgy. Longos, Malabon City; kasama si alyas “Jinky”, 46, Pusher/Newly Identified HVI, na kasalukuyang residente ng Brgy. Dagat-Dagatan, Caloocan City.

Ayon kay PBGen Peñones Jr, nangyari ang nasabing operasyon ng Station Drug Enforcement Unit ng Malabon CPS sa kahabaan ng Block 46 corner Pampano Street Brgy. Longos, Malabon City na nagresulta ng pagkakaaresto ng mga suspek.

Nakumpiska sa mga suspek ang pitong maliliit na heat-sealed transparent plastic sachet at isang buhol ng transparent sachet na pawang naglalaman ng puting crystalline substance na pinaghihinalaang shabu, isang piraso ng tunay na Php1,000 na may kasamang siyam na Php1,000 boodle money na ginamit bilang buy-bust money, at isang itim na pitaka.

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Pinuri naman ni PMGen Edgar Alan O Okubo, Regional Director ng NCRPO ang Malabon City Police Station dahil sa dedikasyon ng mga tauhan nito upang labanan ang ilegal na droga at kriminalidad para tuluyan nang makamtan ang kapayapaan at kaayusan sa Northern Metro.

Source: NPD PIO

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles