Negros Oriental – Bilang tanda ng mainit na pagtanggap, ginawaran ng foyer honor ang Hepe ng Pambansang Pulisya, Police General Benjamin C Acorda Jr kasunod ng isinagawa na command visit nito sa Negros Oriental Police Provincial Office (NOPPO), Camp Lt Col Francisco C Fernandez, Jr., Agan-an, Sibulan, Negros Oriental noong Sabado, Mayo 20, 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Brigadier General Anthony Aberin, Regional Director, Police Regional Office 7 na malugod na dinaluhan ng Commander, APC Visayas, Police Lieutenant General Patrick Villacorte, mga miyembro ng Regional Command Group, Regional Staff at ng mga Director at Chief ng National at Regional Support Units.
Kabilang sa mga makabuluhang kaganapan sa aktibidad ay ang pagkilala sa mahusay at katangi-tanging pagsisikap ng kapulisan ng probinsya at maging ng buong rehiyon sa kanilang Anti-Criminality Operations and Campaign; at ang pagbibigay suporta at pagtanggap sa nasa labing-anim (16) na mga dating miyembro ng Communist Terrorist Groups (CTGs) na nagbalik-loob sa pamahalaan.
Maliban pa dito, nagkaroon din ng diyalogo sa mga community leaders at mga stakeholders kung saan ang kanilang mga katanungan at alalahanin ay nabigyan ng linaw at kasagutan.
Samantala, sa naging talumpati ni Police General Acorda sa programa, kanyang binigyang diin at hinikayat ang kapulisan sa pagbibigay halaga sa pagkakaroon ng “Serbisyong Nagkakaisa” at ang marubdob na pagtalima sa 5-Focused Agenda nito na siyang tulay tungo sa mas epektibo at mahusay na puwersa ng pulisya.
“As I end, I call each and every one of you to embrace our unified call to action for “Serbisyong Nagkakaisa” that binds us within the Philippine National Police, tayo ay magkaisa…Let us renew our vow to perform our duties with the utmost professionalism, integrity, competence, courage, loyalty, discipline, respect for human dignity, nationalism, patriotism, justice, social responsibility, and our love of God, country, and people. Let us continue working together toward achieving our mission of making Negros Oriental a model province for peace and development progress,” saad ng PGen Acorda Jr.