Romblon – Nagsagawa ng Tree Planting Activity ang mga tauhan ng Cajidiocan MPS sa Sitio Bay-Bay Barangay Cambajao, Cajidiocan, Romblon nito lamang ika-20 ng Mayo 2023.
Ayon kay Police Lieutenant Andres Bolinget, Officer-In-Charge ng Cajidiocan MPS, umabot sa 1,200 punla ng mangrove ang naitanim ng grupo sa nasabing lugar.
Kabilang sa nakilahok ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection, Department of Environment and Natural Resources, Kabataan Kontra Droga at Terorismo, Barangay Based Group at mga barangay officials.
Layunin ng naturang aktibidad na imulat ang publiko mula sa mga usaping pangkalikasan at ipabatid ang kahalagahan ng kanilang pakikiisa upang mapigilan at maiwasan ang tuluyang pagkasira ng mga likas yaman na siyang pinagkukunan ng pangkabuhayan ng karamihan.
Patuloy naman na hinikayat ng Pulisya ang mamamayan na makibahagi sa pagsulong at pakikiisa ng mga programa ng pamahalaan upang ang kaayusan, kapayapaan, kaligtasan, at kaunlaran ay tuluyang makamtan.
Panulat ni Patrolman Erwin Calaus