Sunday, January 12, 2025

Suspek sa naganap na Robbery Hold-up, tiklo sa follow-up operation ng Project 6 PNP

Quezon City — Tiklo ang isang lalaki matapos magsagawa ng follow-up operation ang mga tauhan ng Project 6 Police Station 15 ng Quezon City Police District nito lamang Huwebes, Mayo 18, 2023.

Kinilala ng Police Brigadier General Nicolas Torre lll, District Director ng QCPD, ang suspek na si Jessniel John, 32, at residente ng Brgy. Vasra, Quezon City at ang kanyang kasabwat na si Jar-Ar, alyas “Toto” na nakatakas.

Ayon kay PBGen Torre lll, nangyari ang insidente bandang 7:50 ng gabi sa harap ng Avida Tower malapit sa kanto ng EDSA, Brgy. Bagong Pag-asa, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Erik Ninonueva, isang taxi driver.

Batay sa ulat ng biktima, nagpanggap diumano ang mga suspek bilang mga pasahero at kalauna’y nagdeklara ng hold-up habang nakatutok ang baril sa kanya at sapilitang kinuha ang cash money na nagkakahalaga ng Php1,500. Sa kabutihang palad, ang mga operatiba ng PS 15 ay nagsasagawa ng pagpapatrolya sa kahabaan ng EDSA at naabutan nila ang biktima na sakay ng kanyang taxi na sumisigaw at humihingi ng tulong kaya agad na rumesponde ang mga ito.

Narekober mula sa suspek ang itim na sling bag, isang (1) improvised small firearm (Penggan), isang (1) itim na maliit na pellet gun, isang itim na wallet na naka-print na may “Leather Trademark”, isang asul na dotpad cellular phone na nagkakahalaga ng Php500, at isang (1) kalibre .38 na bala.

Mahaharap ang suspek sa kasong Robbery at paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Samantala, patuloy naman ang isinasagawang manhunt operation para sa posibleng pagkakaaresto sa isa pang suspek.

Pinuri ni PBGen Torre III ang mga rumespondeng pulis ng PS 15 sa kanilang pagiging alerto. “Ito ang mismong dahilan kung bakit mahalaga ang police visibility lalo na sa mga crime prone areas. Gayundin, ito ang aking dahilan ng pagsasagawa ng Simulation Exercises sa iba’t ibang mga sitwasyon. Nais kong maging handa ang ating mga pulis sa mabilis na pagresponde kung mayroon man silang maencounter na mga ganitong pangyayari,” saad niya.

Source: PIO QCPD

Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos

Related Articles

Stay Connected

6,428FansLike
65FollowersFollow
1,797FollowersFollow
3,330SubscribersSubscribe

E-SUMBONG LINK

- Advertisement -spot_img

Latest Articles