Taguig City — Nagsagawa ang mga tauhan ng 7th Mobile Force Company ng opening ceremony para sa programang “Madrasa Kontra Droga” na ginanap sa Blue Masjid, Maharlika, Taguig City nito lamang hapon ng Huwebes, ika-18 ng Mayo 2023.
Ang aktibidad ay personal na dinaluhan ni Police Colonel Jonathan Calixto, Force Commander ng RMFB at ni Police Captain Jul-Musa Saat, Company Commander kasama ang ibang mga tauhan ng 7th MFC ng RMFB-NCRPO.
Tampok sa programa ang lecture patungkol sa Police Visibility, ELCAC Advocacy Group Mobilization, demonstration on Self Defense at ang wellness program sa pamamagitan ng pagbibigay ng wheelchair kay Baiyadtha M. Lidasen at sa kapatid na si Arnel A Magindala.
Kasabay din nito, ay ang pagkakaroon ng feeding program na nilahukan ng 50 na kabataan at pamamahagi ng relief goods sa mga piling mga residente ng lugar.
Ang programang ipinakita ng 7th MFC ay bilang pagtulong at pagsuporta sa mamamayan at tugunan ang kanilang mga pangangailangan. Ang mga ngiti ng mga benepisyaryo ay nagdudulot ng kagalakan at nagbibigay ng positibong impresyon din upang makabuo ng isang mas malalim na relasyon sa pagitan ng pulisya at komunidad.
Source: RMFB NCRPO
Panulat ni PSSg Remelin M Gargantos