Sorsogon (December 25, 2021) – Sa pinagsanib na puwersa ng PNP at AFP, natunton ang kinarorooonan ng mga rebeldeng New People’s Army sa bulubunduking lugar ng Brgy. San Ramon Barcelona Sorsogon nitong Disyembre 25, 2021 alas 8:30 ng umaga na nagresulta sa engkwentro ng mga alagad ng batas at mga NPA.
Nabuo ang isang team mula sa Scout Platoon, company 311b, 1st Provincial Mobile Force, Sorsogon Police Provincial Office at Barcelona Municipal Police Station sa ilalim ng pangangasiwa ni Police Colonel Arturo Brual, Provincial Director, Sorsogon.
Habang nasa kalagitnaan ng isinasagawang Intelligence driven ISO/Combat nang makaengkwentro nito ang mahigit kumulang 30 miyembro ng teroristang NPA sa pamumuno ni Arnel Estiller o mas kilala sa alyas na “Mando”, tagalihim ng Komiteng Probinsya 3, Bicol Regional Party Committee na nag-ooperate sa bulubunduking rehiyong Sorsogon particular sa Barcelona, Gubat at iba pang area of concern sa buong Bicol Region.
Nangyari ang nasabing madugong engkwentro na tumagal ng 45 minutes na nagresulta sa pagkasawi ng dalawang aktibong kasapi ng rebeldeng grupo at hindi pa tukoy kung ilan ang mga sugatan samantala wala namang nasaktan sa panig ng gobyerno.
Kabilang sa narekober sa lugar na pinangyarihan ang tatlong (3) M16 rifle, mga bala, mga pasabog, pagkain at iba pang mga subersibong mga dukoment.
Naniniwala ang operating troops na ang grupo ay nag-espiya sa lugar ng engkwentro na may layuning salakayin ang mga istasyon ng PNP at detachment ng Philippine Army para sa kanilang nalalapit na anibersaryo.
Source: Sorsogon News at Barcelona MPS
######
Panulat ni: Police Corporal Shiear “Kye” Velasquez-Ignacio
Saludo sa mga Alagad Ng Batas..godbless PNP