General Santos City – Himas-rehas ang isang tulak ng ilegal na droga matapos maaresto sa isinagawang buy-bust operation sa Prk. Camachile, Brgy. Tambler, General Santos City nito lamang ika-15 ng Mayo 2023.
Kinilala ni Police Colonel Jomar Alexis Yap, City Director ng General Santos City Police Office, ang nahuling suspek na si alyas “Ali”, 31, residente ng Sitio Guadalope, Prk. Mabuhay 2, Koronadal City.
Ayon kay PCol Yap, kabilang ang suspek sa drug watchlist at bandang 5:00 ng hapon nang maaeresto ng mga tauhan ng General Santos City Police Drug Enforcement Unit, City Intelligence Unit, City Mobile Force Company, Regional Police Drug Enforcement Unit 12, Regional Intelligence Division 12, Regional Special Operations Group 12, Maritime Police Station 12 at sa pakikipag-ugnayan sa PDEA 12.
Nakuha sa pag-iingat ng suspek ang ilang pakete ng hinihinalang shabu na mahigit 15 gramo ang bigat na may tinatayang halaga na aabot sa Php102,700, isang pirasong Php1,000 bill na ginamit bilang buy-bust money at iba pang non-drug item.
Kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ang isinampang reklamo laban sa suspek.
Tiniyak ng GenSan PNP na hindi titigil sa mga operasyon at mas papaigtingin ang kampanya kontra ilegal na droga upang maging drug-free ang lungsod at ligtas sa anumang uri ng kriminalidad.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay Medelin/RPCADU12