Bocaue, Bulacan (December 29, 2021) – Patuloy ang pagsiguro ng Philippine National Police (PNP) sa probinsya ng Bulacan na maging ligtas ang darating na bagong taon.
Kaya nagsagawa ng inspeksyon sa mga pagawaan at bilihan ng paputok sa Bocaue, Bulacan ang mga matataas na opisyales ng PNP na nakabase sa Camp Crame noong Disyembre 29, 2021.
Nagtungo mismo si PMGen Jesus Cambay Jr., Director ng CSG (Civil Security Group) kasama sina PBGen Valeriano De Leon, Director ng PNP Operations at PBGen Dominic Bedia, upang siguruhin na maigting ang pagbabantay at pagpapatupad ng kapulisan sa batas ukol sa paggamit ng paputok.
Kanilang ipinag-utos ang mahigpit na pagpapatupad ng mga alituntunin na nakasaad sa ilalim ng Republic Act 7183 (An Act Regulating the Sale, Manufacture, Distribution and Use of Firecrackers and other Pyrotechnic Devices) sa mga pagawaan at bilihan ng paputok.
Sinuri isa-isa ni PBGen De Leon ang lahat ng tindahan upang tiyakin na walang lumalabag sa ipinapatupad na batas ukol sa paputok ng pambansang pulisya.
Panulat ni: Police Executive Master Sergeant Joey San Esteban
Good Job PLT SAN ESTEBAN..✍???
Good Job PNP slamat po