Cebu – Arestado ang isang ginang sa Cebu sa kasong ‘Falsification of Commercial Document’ sa isinagawang operasyon ng mga tauhan ng Investigation and Detective Management Unit (IDMU), Cebu City Police Office (CCPO) at Criminal Investigation and Detection Group Cebu Field Unit sa Sitio Lahug, Brgy. Antipolo, Medellin, Cebu noong Sabado, Mayo 13, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Ireneo Dalogdog, City Director ng CCPO, ang naaresto na si “Emelita”, 43, residente ng 154-D Katipunan St., Brgy. Labangon, Cebu City.
Naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong “4 Counts of Falsification of Commercial Documents”.
Tiniyak naman ng buong hanay ng Cebu City Police Office na hindi sila titigil sa pagtugis sa mga nagtatago sa batas upang mapanagot sa kanilang pagkakasala.