Antique – Arestado ang tinaguriang Top 9 Regional Most Wanted Person sa inilunsad na Manhunt Charlie Operation ng San Jose PNP sa Brgy. Funda Dalipe, San Jose, Antique, noong ika-13 ng Mayo 2023.
Ang operasyon ay isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng San Jose Municipal Police Station at ng Regional Intelligence Unit 6 bandang alas-8:18 ng umaga sa nasabing petsa at lugar.
Kinilala ni Police Major Geremy Ian Magbanua, Hepe ng San Jose Municipal Police Station, ang suspek na isang 28 taong gulang na lalaki, may asawa at residente ng Brgy. 3 San Jose, Antique.
Ayon kay Police Major Magbanua, naaresto ang akusado sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong “Rape” na walang rekomendadong piyansa para sa kanyang pansamantalang paglaya.
Ang Antique PNP ay nananawagan sa mga iba pang mga wanted persons na sumuko ng maayos at panagutan sa batas ang nagawang krimen.