La Union – Arestado ang Top 2 Municipal Most Wanted Person sa ikinasang Manhunt Charlie Operation ng mga tauhan ng La Union Police Provincial Office nito lamang Linggo, ika-14 ng Mayo 2023.
Kinilala ni Police Major Dominador Apostol, Hepe ng Bangar Municipal Police Station, ang suspek na si Romel Cariaga y Estrada, 31, residente ng Brgy. Sinapangan Norte, Balaoan, La Union.
Ayon kay PMaj Apostol, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Carnapping na may inirekomendang piyansa na Php300,000.
Ayon pa kay PMaj Apostol, naaresto ang suspek bandang 10:15 ng umaga ng pinagsanib na mga operatiba ng Bangar Municipal Police Station, La Union Provincial Intelligence Unit at 103rd Maneuver Company ng Regional Mobile Force Battalion 1.
Ang matagumpay na pagkakaaresto sa suspek ay tanda ng epektibong pagganap ng mga miyembro ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas ng kanilang mga tungkulin upang maibigay sa mga mamamayan ang hangaring ligtas at payapang komunidad.
Source: Bangar Municipal Police Station
Panulat ni PSSg Bader Ceasar Ayco