Negros Occidental – Nagresulta sa pagkakadiskubre ng mga tanim na marijuana ang isinagawang buy-bust operation sa Hacienda Lonoy, Barangay Hawaiian, Silay City, Negros Occidental nitong ika-11 ng Mayo 2023.
Bandang alas-11:30 ng umaga ng Miyerkules nang ikasa ang buy-bust operation ng mga operatiba ng Silay Component City Police Station sa subject person na kinilalang si Leo Capablanca, 53 at residente ng nabanggit na barangay.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Mark Anthony Darroca, Hepe ng Silay City PNP, nakuhanan ang naturang suspek ng isang pakete ng pinaghihinalaang shabu at marijuana na nakabalot sa dalawang ziplock at Php3,000 na marked money.
Narekober kay Capablanca ang tatlong pakete ng suspected shabu na may timbang na 7 gramo at may Standard Drug Prize na Php47,600.
Ayon pa kay PLtCol Darroca, nadiskubre din sa likod ng kanyang pamamahay ang pinaniniwalaang Marijuana Plantation na kung saan aabot sa 2 kilos na fully grown at dried leaves na marijuana ang nakumpiska sa naturang bahay ng suspek na may tinatayang halaga na Php240,000.
Mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Ang Silay City PNP ay patuloy sa pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga para sa kaayusan at ligtas na pamumuhay ng mamamayan sa kanilang nasasakupan.