Ilocos Norte – Arestado ng Bacarra PNP ang isang Most Wanted Person sa kasong paglabag sa RA 6539 o (Anti-Carnapping Act of 1972) sa Brgy. 1 Sta Rita, Bacarra, Ilocos Norte nito lamang ika-10 ng Mayo 2023.
Kinilala ni Poilce Major Arnel Tabaog, Officer-In-Charge ng Bacarra PNP,
ang suspek na si Melvin Baysa Rumbaoa, 32, residente ng Brgy. 25 Tubburan, Bacarra, Ilocos Norte.
Ayon kay PMaj Tabaog, naaresto ang suspek bandang 10:30 ng umaga ng mga operatiba ng Bacarra MPS kasama ang Provincial Highway Patrol Team, Ilocos Norte, Regional Intelligence Unit 1, at Provincial Intelligence Unit, Ilocos Norte PPO.
Ayon pa kay PMaj Tabaog, ang suspek ay may Warrant of Arrest sa kasong Carnapping at mayruong rekomendadong piyansa na Php300,000.
Ang PNP ay patuloy sa pagsasagawa ng operasyon laban sa mga taong may pananagutan sa batas upang mapanatiling ligtas at tahimik ang komunidad.
Source: Bacarra, Municipal Police Station, Ilocos Norte
Panulat ni Patrolman Dennis P Carinal