Iloilo City – Arestado ang isang HVI at dating drug surrenderer sa inilunsad na buy-bust operation ng mga operatiba ng City Drug Enforcement Unit kasama ang ICPS4 SDET sa Brgy. San Pedro, Molo, Iloilo City, bandang alas-10:00 ng gabi, ika-9 ng Mayo 2023.
Kinilala ni Police Captain Val Cambel, Team Leader ng CDEU, ang subject person na si alyas “Toto”, 24, residente ng Brgy. Bagaygay, Sara, Iloilo at pansamantalang naninirahan sa Phase 3, Deca Homes, Pavia, Iloilo.
Ayon kay PCpt Cambel, nabilhan ng poseur-buyer si alyas “Toto” ng isang pakete ng suspected shabu sa halagang Php7,000.
Ayon pa kay PCpt Cambel, si alyas “Toto” ay isang dating drug surrenderer at nakapagtapos mula sa drug rehabilitation noong 2019.
Nakuha din sa posesyon ng suspek ang 6 na silyadong plastic na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu na nakapaloob sa kanyang pitaka.
Humigit kumulang 20 gramo ng shabu ang narekober sa suspek na nagkakahalaga ng Php136,000, Php7,000 na buy-bust money, 2 cellular phone, 1 wallet, 1 black sling bag at isang Nmax Motorcycle.
Nakakulong na sa himpilan ng Iloilo City Police Station 4 ang naturang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Siniguro ng Iloilo City PNP na ang maayos at epektibong pagsasakatuparan ng kanilang mga hakbangin sa pagsugpo sa ilegal na droga ay mas paiigtingin pa at paghuhusayin.