Pangasinan – Arestado ng Santa Maria PNP ang Top 1 Municipal Most Wanted Person ng Santa Maria, Pangasinan sa kasong sa kasong Statutory Rape nito lamang ika-9 ng Mayo 2023.
Kinilala ni Police Captain Landro Velasquez, Hepe ng Santa Maria Municipal Police Station, ang suspek na si alyas Jonathan Soliven y Pallarino, 32, tubo ng Brgy. Tipon, Quirino, Isabela at kasalukuyang naninirahan sa Brgy. San Felipe East, San Nicolas, Pangasinan.
Ayon kay Police Captain Velasquez, bandang 7:00 ng umaga nang maaresto ang suspek sa Brgy. Madamba, Dingras, Ilocos Norte ng mga operatiba ng Santa Maria Municipal Police Station, katuwang ang Regional Intelligence Division 1, Provincial Intelligence Team Pangasinan PPO, San Nicolas MPS at Dingras MPS, Ilocos Norte PPO.
Dagdag pa ni Police Captain Velasquez, naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Statutory Rape na may rekomendadong piyansa na Php200,000.
Patuloy ang kapulisan ng Pangasinan sa pagpapatupad ng batas ng walang kinikilingan para mapanatili ang katahimikan at kaayusan sa naturang lugar.
Source: Santa Maria MPS
Panulat ni PSSg Lhenee Bulanday Valerio