General Santos City – Dalawang mangingisda ang naaresto ng mga awtoridad matapos mahulihan ng tinatayang Php102,000 halaga ng ilegal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Green Meadow Ext., Brgy Tambler, General Santos City nito lamang ika-8 ng Mayo 2023.
Kinilala ni Police Colonel Jomar Alexis Yap, City Director ng General Santos City Police Office, ang dalawang suspek na sina alyas “Arman”, 51 at alyas “Bogs”, 34, pawang mga residente ng nasabing barangay.
Dakong 8:06 ng gabi nang mahuli ang dalawang suspek ng mga tauhan ng City Police Drug Enforcement Unit, City Intelligence Unit ng General Santos City PNP, City Mobile Force Company ng General Santos City PNP, Regional Police Drug Enforcement Unit 12, Regional Intelligence Division 12, Regional Special Operations Group 12, Regional Intelligence Unit 12, Maritime Police Station 12 at PDEA12.
Nakumpiska mula sa dalawang suspek ang tinatayang 15 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng Php102,000, isang pirasong Php1,000 bill bilang buy-bust money at iba pang non-drug item.
Ang dalawang suspek ay nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002”.
“I commend the operating units for putting this drug peddlers behind bars and for taking away a large quantity of illegal drugs that could have gotten into the community. Our crusade against illegal drugs yields positive results. Hence, we will continue to do so until Region 12 is completely free of this menace.” saad ni Police Brigadier General Macaraeg, Regional Director ng Police Regional Office 12.
Panulat ni Patrolman Khnerwin Jay Medelin/RPCADU12