Cebu City – Arestado ang 27-taong gulang na lalaking drug suspek matapos makumpiskahan ng ilegal na droga at baril sa buy-bust operation ng mga operatiba ng Police Station 3, Cebu City Police Office (CCPO) sa T. Padilla Extension, Brgy. Tejero, Cebu City noong Mayo 7, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Ireneo Dalogdog, City Director ng Cebu City Police Office, ang naarestong suspek na si alyas āAmayā, residente ng Padilla Extension, Brgy. Tejero, Cebu City.
Ayon kay PCol Dalogdog, nakumpiska mula kay āAmayā ang pinaghihinalaang shabu na tumitimbang ng nasa 15 gramo at may Standard Drug Price Value na Php102,000, isang unit ng caliber 9mm pistol loaded with 5 live ammunitions, isang sling bag, at ang nagamit na buy-bust money.
Kasong paglabag sa RA 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) at RA 10591 (Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act) ang kakaharapin ng suspek.
Patuloy ang buong hanay ng Cebu City PNP sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin at serbisyo upang hadlangan at mapigilan ang anumang uri ng kriminalidad bunsod ng ilegal na droga.