Quezon City – Pulidong inilatag ni Police General Benjamin Casuga Acorda Jr, Chief, Philippine National Police, ang kanyang 5 – Focused Agenda na siyang isasaalang-alang at agresibong ipapatupad ng buong hanay ng Pambansang Pulisya sa ilalim ng kanyang liderato nito lamang umaga kasabay sa pagdaraos ng traditional Monday Flag Raising Ceremony na ginanap sa PNP National Headquarters, Camp Crame, Quezon City.
Sa kanyang mensahe, isa-isa niyang iprinisenta ang limang agenda na siya anyang pinaka-epektibo at mainam na paraan upang magampanan ng himpilan ang sinumpaang tungkulin nito upang panatilihin ang kaayusan at kapayapaan sa buong bansa.
Kabilang sa kanyang 5 – Focused Agenda: ang Aggressive and Honest Law Enforcement Operations, Personnel Morale and Welfare, Integrity Enhancement, Information and Communication Technology Development at Community Engagement.
Samantala, hinimok din ni PGen Acorda ang hanay na magkaisa, maging handa at panatilihing bukas ang lahat ng mga opisina nito sa pagtanggap sa publiko at sa paghahatid ng lahat ng mga pangunahing serbisyo sa anumang panahon at sitwasyon.
“Let us always keep in mind the noble purpose of our profession, let us work together towards the common goal of providing “Serbisyong Nagkakaisa,” a united and excellent service to our people,” dagdag pa niya.
Kasabay ding binigyan ng parangal ang iilang mga PNP personnel na mayroong katangi-tanging nagawa mula sa larangan ng operatiba at administratibo mula Directorate for Intelligence at Police Regional Office Cordillera.