Nasawi sa naganap na engkwentro sa pagitan ng kasundaluhan at New People’s Army sa Barangay Alucao, Sta. Teresita, Cagayan ang isang babaeng miyembro ng Teroristang grupo na estudyante sa isang prestisyosong Unibersidad sa Maynila.
Kinilala ni Col. Ferdinand Melchor Dela Cruz, Commander, 501st Infantry Brigade, ang isa sa dalawang binawian ng buhay na si “Alyas Morga”.
Tumagal ng isang oras ang labanan bago umatras ang nasa dalawampung miyembro ng KomProb Cagayan at KomProb Isabela, Komiteng Rehiyon – Cagayan Valley (KR-CV) patungong Timog-Silangang direksyon at iniwan ang dalawang kasama na nasawi.
Samantala, tinutukoy na din ng pamunuan ng 5th Infantry Division ang pagkakakilanlan ng isa pang nasawi upang maibalik na ang labi nito sa kanyang pamilya.
Maliban sa mga bangkay ay nakuha din ng kasundaluhan ang dalawang R4 rifles, isang M16 rifle at isang M653 rifle na narekober sa pinangyarihan ng engkwentro, nabawi din ang mga sumusunod: (5) Magazines ng M16; (122) 5.56mm ammunition; (2) Commercial Radios; (2) Bandoliers; (1) power bank; (1) cooking pot; (2) back packs; (4) Cellphones; (3) chargers; (11) Sim Cards; at mga subersibong dokumento.
Nagpasalamat naman ang mga opisyales ng 5th ID sa mga residente na nagbibigay impormasyon kaugnay sa presensya ng makakaliwang grupo sa kanilang mga lugar.
Source: 5th Infantry Division, Philippine Army/ Cagayan Public Information Office