Cebu – Kalaboso ang isang tinaguriang Top 5 Provincial Most Wanted Person ng Cebu sa isinagawang paghahain ng Warrant of Arrest sa kasong kaugnay sa ilegal na droga sa Sitio Kalubihan, Brgy. Guadalupe, Cebu City noong Miyerkules, Mayo 3, 2023.
Kinilala ng Force Commander ng Cebu City Mobile Force Company (CMFC), Police Lieutenant Colonel Dexter Calacar, ang naarestong akusado na si Clarisa, 28 taong gulang.
Ayon kay PLtCol Calacar, dakong alas-5:30 ng hapon ng maaresto ang akusado ng pinagsanib na puwersa ng CMFC, Cebu City Police Office; Criminal Investigation and Detection Group Lapu-Lapu City Field Unit; at Regional Intelligence Unit 7.
Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Sec. 11 Article ll ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Patuloy naman ang buong kapulisan ng naturang probinsya sa pagpapaigting at pagpapahusay ng kanilang mga hakbangin upang tiyakin ang ang kaayusan, kapayapaan, at kaligtasan ng kanilang ng mga nasasakupan.