Nueva Ecija – Nagsagawa ng BIDA o “Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan” Program ang Zaragoza PNP para sa mga mag-aaral ng Zaragoza National High School, Brgy. San Rafael, Zaragoza, Nueva Ecija nito lamang Huwebes, ika-4 ng Mayo 2023.
Ang naturang aktibidad ay pinamunuan ni Police Major Ronnie Caagbay, Chief of Police ng Zaragoza Municipal Police Station.
Nagbigay kaalaman ang Zaragoza PNP patungkol sa Anti-Illegal Drug Awareness Lecture sa mga estudyante.
Layunin nito ang mapababa ang demand ng droga sa kanilang nasasakupan at palalahanan ang mga kabataan sa masamang dulot ng ipinagbabawal na gamot.
Patuloy ang Zaragoza PNP sa pakikipag-ugnayan sa mga eskwelahan upang bigyang kaalaman ang mga kabataan sa programa ng pamahalaan kabilang ang pagpapaigting ng kampanya kontra ilegal na droga.