Nagsagawa ng oryentasyon ang Cagayano Cops hinggil sa S.A.G.I.P. KABATAAN (Sangga at Gabay Ilalaan para sa Pangarap ng Kabataan) na ginanap sa Cagayano Cops Multi-Purpose Hall, Camp Tiso H. Gador nito lamang ika-3 ng Mayo 2023.
Ang aktibidad ay pinangunahan ni Police Colonel Julio Gorospe Jr., Provincial Director at aktibong dinaluhan ni G. Nonito Mora, Vice-President, School Parent-Teacher Association bilang kinatawan mula sa School Administrators at iba pang mga guro mula sa iba’t ibang paaralan, Barangay Officials, KKDAT members, Life Coaches at City Social Welfare and Development Office representatives.
Ayon kay PCol Gorospe, sa pamamagitan ng Sagip Kabataan project, ang Cagayan Cops ay nakikipagtulungan sa mga magulang at organisasyon ng paaralan upang mapanatili ang mahigpit na pagbabantay sa mga ginagawa ng ating kabataan sa loob at labas ng paaralan.
Dagdag pa nito, upang matiyak na sila ay lumayo sa mga sitwasyon na maaaring mapanira at masubaybayan ang kanilang panlipunan at pisikal na mga aktibidad at pagkakasangkot. Higit pa rito, upang maiwasan ang ating mga nakababatang henerasyon na makisali sa mga ilegal na aktibidad.
Layunin ng aktibidad na ito na madagdagan ang kaalaman ng mga kabataan at magabayan sila para sa pagharap ng magandang kinabukasan, at tuluyan silang mahimok sa pakikiisa para sa pagsugpo sa ilegal na droga at pagsupil sa terorismo.
Source: Cagayan Police Provincial Office
Panulat ni Police Staff Sergeant Marilyn Maggay