Bukidnon – Arestado ang isang lalaki sa kasong Murder sa ikinasang operasyon ng Maramag Municipal Police Station sa Sitio Magsaysay, Maramag, Bukidnon nito lamang Mayo 3, 2023.
Kinilala ni Police Colonel Resituto Lacano Jr., Officer-In-Charge ng Bukidnon Police Provincial Office, ang suspek na si alyas “Jeff”, 29 at residente ng nasabing lugar.
Bandang 10:50 ng umaga naaresto ang suspek sa bisa ng Warrant of Arrest sa kasong Murder na may Criminal Case no. 30459-17 na walang rekomendadong piyansa.
Patuloy na nagkakaisa ang pulisya at mamamayan sa Bukidnon sa mandato sa paghuli sa mga Wanted Person sa probinsya upang mapanatili ang mapayapang komunidad.
Panulat ni Patrolman Joshua Fajardo/RPCADU10